coke at ako

sa kauna-unahang pagkakataon, ako ay nanalo sa isang promo ng coca-cola product.. ung pwede kang manalo ng kahit ano, kung ano man ang nakalagay sa ilalim ng cap.. ung tipong 1 of 12 wins.. haha! 🙂 di man lang ako nanalo ng ganon sa pinas.. kailangan ko pa palang magpunta dito sa tate para lang manalo.. taray! anyways, nanalo ako ng 1 liter coke… sabi ko, aus to sa mga kapatid ko.. sakto.. may Coke na naman kami! so aun, umuwi ako at sinabi sa kanilang samahan ako sa isang tindahan kung saan pwede naming i-claim ung 1 liter coke.. sa Shell kami nagpunta, ung parang 7-11 nila.. so, tinanong ni Carlo kung san makukuha ung 1 liter Coke.. tinuro sya nung cashier sa dulo daw.. dun sa may mga softdrinks (malamang!).. ako, si Carlo at si Mina ang naghanap pero di namin makita.. tapos, si Mina nakita na rin.. gudluck! kaya naman pala di namin makita dahil di namin expected na ganon ang itsura ng 1 liter Coke.. siguro, hinahanap namin ung isang litro ng pinas.. at ito ung 1 liter coke dito sa America…

bitin! ano to, 20 oz.? eh kayang-kaya kong tunggain to eh! tsk..tsk..tsk.. kaya naman pala di namin makita.. sabi ko tenbits to sa aming magkakapatid kaya naman bumili ako ng 2 liters na Pepsi.. libre nga.. tenbits naman.. unang beses nga, disappointed naman.. oh, well.. aus na rin, sabi nga ni Carlo, libre naman eh.. sa bagay.. bihira itong mangyari..

+ + + + + + + + +

nagtrip ako sa Microsoft Picture It! syempre, piktyur ko.. 😛

gudluck, lang pagbabago.. well, tinry ko ung Filter na Chalk.. teka, lalong nawala ung ilong ko!! haha! dapat pala sharpen!