NBA Playoffs – Its ON!

bago ang lahat, birthday nga pala ni Esel kahapon (April 22).. happy birthday! di ako makakapunta kaya naman tinawagan ko na lang sila.. masaya na rin dahilk nakausap ko silang lahat! excited na talaga akong makauwi this MAY.. yehey! 2 weeks to go.. πŸ™‚

Earth Day rin pala.. πŸ™‚ naglinis naman ako ng bahay.. nakiisa ako.. πŸ™‚

NBA Playoffspero ito talaga ang inabangan sa bahay kahapon.. NBA Playoffs na naman! umagang-umaga, nagising ako ng lakas ng TV namin.. nanonood na ang aking kapatid.. mga pre-game specials.. mga paguusap ukol sa Playoffs this year.. mga teams na nakapasok, mga players na maaaring maging MVP, team na sa palagay nila ay magcha-champion, at kung anu-ano pa.. dahil wala rin naman akong gagawin, nanood na rin ako..

naimpluwensyahan ako ng aking mga kapatid sa basketball at sa iba pang sports.. ikaw ba namang may 2 kapatid na lalaki.. mapa-wrestling, basketball, football, tumbang-preso, luksong-baka, agawan-base at paglalaro ng text, nagawa ko atang lahat! naalala ko pa nga nung nasa Pilipinas pa kami, die-hard Ginebra fan din ako.. isisnasama ako ng aking mga kapatid na manood ng game, syempre, dahil ako ang magbabayad.. ilang beses din kaming nanood kaso, lagi namang talo.. malas ata.. pero aus lang kasi na-meet naman namin sila ng personal.. nakita ko pa nga si Eric Menk, hala! ung mga babae nagsipaghalikan.. sabi ng mga kapatid ko, humalik din daw ako.. eh nahiya ako eh.. sayang tuloy..

Spurs fan na ko ngayon dahil nasa San Antonio kami.. di naman ako sobrang fanatic na ng basketball, ung tamang alam ko lang ung laro.. di naman ako makikipagpatayan, ung tamang cheer lang.. at yan ang ginawa namin maghapon kahapon.. 4 games kasi.. 2 Eastern, 2 Western.. Spurs vs. Kings.. maraming nagsasabi na mananalo ang Spurs, at syempre, nanalo sila! 34 point lead! hahaha.. gudluck! 122-88.. pero medyo kinabahan din kami kasi nung 1st-2nd quarter, medyo close ung laban, 8 points lang ang lamang ng Spurs pero nanalo pa rin sila! ibang klase! naaamoy ko na naman ang isa pang championship.. Detroit pala mananalo ha.. tingnan natin.. πŸ˜€

sana nga magchampion ang SPURS! πŸ™‚ sana.. para naman mura na ung mga jersey! hahahaha! πŸ˜›

*picture from http://www.nba.com