isang mahabang thank you post

SUPER THANK YOU.

grabe. 🙂 words are not enough para magpasalamat sa bawat isang tao na bumati sa akin ng happy birthday. kung pwede lang na puntahan ko kayo isa-isa para naman mayakap ko kayo’t mapasalamatan ng personal eh ginawa ko na. pero dahil di pwede un, idadaan ko na lang dito sa kundiman ang pasasalamat ko. 😀

dahil nga dalawang time zones ang sinusunod ko kapag nagcecelebrate ako ng birthday, parang halos dalawang araw tuloy ang aking kaarawan. Oct. 24 (11am) pa lang dito, midnight na ng Oct. 25 sa Pinas. birthday ko na. hanggang Oct. 26 (12nn) eh birthday ko pa rin dahil Oct 25 (11pm) pa lang dito sa Amerika. time zones. tsk. pahirap sa buhay. 😛

SUPER THANK YOU.

unang-una kay Papa God. salamat sa panibagong taon. ganito po pala ang feeling ng 24, parang 23 lang din. wala masyadong difference, maliban nga sa paga-add ng isa sa aking edad.

sa aking pamilya. sa aking nanay na gumising sa akin ng 6am para batiin ako’t hiramin ung bus pass ko. sa tatay ko na indirectly akong binati. indirectly kasi, nanay ko ang kausap nya. sabi lang nya, “birthday na ng anak mo, malapit nang magasawa yan”. sa aking mga kapatid na kasama ko buong araw ng aking kaarawan. salamat sa bonding time nating magkakapatid na bihira nang mangyari dahil lahat tayo’y busy-busyhan. sana sa susunod kong birthday eh kayo naman ang manlibre sa akin.

sa mga kamag-anak ko. na nageffort magonline para lang magmessage sa friendster, magemail at offline message sa akin sa YM. salamat kay ate jigi sa MYMP Now na CD na pinadala nya. sa wakas, kumpleto na MYMP CD collection ko 😀

kay arvin. baby ko 🙂. salamat dahil ikaw ung kausap ko nang mag 12mn dyan sa Pinas at 12mn dito. salamat sa pagkanta ng happy birhtday. i know sasabihin mo, “salamat ka dyan?” pero wala kang magagawa, salamat talaga sayo mahal. 🙂  pinasaya mo ako ngayong birthday ko, at sa araw-araw na kausap kita. panalo ung podcast mo mahal. wag mo akong kakalimutan kapag sikat ka na ha. 🙂

kay besis. salamat sa pagbati sa akin sa twitter. nainggit ako kasi nakapanood ka na ng HSM3. ako hindi pa, baka hintayin ko na lang na ipalabas sa Disney Channel. 😛

sa barkada kong es2pidas. salamat sa text, sa tawag at sa pagkakaibigan. ilang birthday ko na rin ang pagsamahan natin, andyan pa rin kayo. 😀 sana sa susunod kong birthday eh makasama ko na kayo.. 🙂

sa mga kaklase ko noong elementary, HS at college. kampai! 😀

sa mga kaibigan ko dito sa Amerika na nagtext at tumawag. 🙂 sensya di ko kayo nailibre, cost-cutting eh. nakikisabay ako sa recession.

salamat sa friendster, multiply, facebook. kung hindi dahil sa birthday reminders na pinapadala nyo lagi sa mga kaibigan ko, di nila maaalala ang birthday ko. salamat sa mga nagfriendster comment at message. hindi ko na iisa-isahin kung sino-sino kayo, baka may makalimutan pa akong pasalamatan. basta kilala nyo na kung sino kayo. 🙂

sa mga nag @reply at nagDM sa akin sa twitter. buti na lang hindi nagdown nung araw mismo ng birthday ko. 🙂

sa aking mga ka-idlip — noime, yeye at clarice. salamat mga ganda. 😀 sensya na, nagdown ung mga blog nyo ng araw ng birthday ko. naglipat kasi kami ng hosts ni arvin. ngayon, ok na ata. 🙂 hehehe.

kay sissy vanny. salamat sa bati sis. 🙂 ingatz ka dyan ha, and sana maging happy ever na kayo.. 🙂

sa mga fellow blogista ko. mga dating kablog na nagcomment sa friendster, salamat sa pagalala. 🙂 salamat lalo sa mga nagcomment sa podcast post ni arvin. 🙂

sa mga nagmessage sa akin sa YM. 🙂 di ko na ulit kayo iisa-isahin, basta salamat sa inyo! ^_^

at sayo, na nagbabasa nitong post. 🙂 na pagtapos basahin itong post eh magcocomment para batiin ako ng happy birthday. salamat in advance. ^_^

haaay.
24 na ko.

belated happy birthday to me! 😀

10 thoughts on “isang mahabang thank you post

  1. yeye says:

    ay oo nga bagong kaidip na si clarice hehehehehe

    naku tol…nalalapit na din berdey ko….waaaaaaaaahhh

    mukhang enjoy na enjoy ka sa iyong kaarawan hehehehe

    mwaaaaah

    Like

  2. rio says:

    karmi…kung kelan araw ng bday mo tska naman kita indi nabati..hehe
    di bale, nag advance bati naman na ako sa iyo e at eto ang belated na bati…

    happy birthday,………..

    Like

  3. vanny says:

    sis. sorry. late ko na maipapadala ang macBook mo. busy kc ako kakaayos ng hndi-naman-dapat-ayusin-kc-maayos-naman-na-talagang-you-know.. hehhehe.

    loveYou sis! sabi din ni hunnie, happy bday. 😉

    next week na namen ipapadala yung macBook mo ha? wait for it! bwahahaha. :p

    Like

Comments are closed.