uso pa ba un?

greeting card? uso pa ba un?

natawa talaga ako dun sa ikinuwento sa akin nung isang gabi ni Arvin. may lalake syang nakausap at nagtaka na bibili sya ng card. nung una pa nga akala nya’y Magic Cards daw, pero un nga nagulat sya nung nalaman nyang greeting card.

greeting card ang ginagamit madalas (noon, nung hindi pa uso ang e-mail, e-greeting, at lahat ng mga bagay na pwedeng gawing electronic) lalo na kapag ganitong may okasyon para maipadala ang pagbati sa mga mahal sa buhay — nasan mang panig ng mundo. mabenta ang mga cards at mahaba ang pila lagi sa mga post office, kaya rin siguro may nakaisip ng electronic way to send love.

kahit na internet savvy na ang mga tao ngayon, once in a while ok rin na maging old-fashioned. 2 years ago, nagpadala ako ng card sa mga barkada ko. 5 silang pinadalhan ko, natanggap nung 4, ung isa hindi dumating ung sulat ko. tsk, akala ata nila may lamang pera un dahil Pasko nga. ngenge sila, ako magpapadala ng pera? hahaha. sure. 😛 last week natanggap ni arvin ung christmas card ko para sa kanya. buti na lang naipadala ko ng maaga, at buti na lang din natanggap nya.

old-skul na nga ang pagpapadala ng sulat/greeting cards. matagal mo pa bago matanggap dahil ilang linggo bago dumating pero, nakakatuwa talaga ung may matatanggap kang puting sobre na makikita mo ung address ng sender eh galing sa kabilang panig ng mundo. 🙂

wala akong maisip ipost para sa pasko post natin eh.
anu nga kayang maganda?
hmm, balak ko eh Christmas card. kaso, di naman Christmas card ung huling natanggap ko galing sayo.
andito pa ung Christmas card mo eh, di ko pa napapadala..

<3 greeting card

anung petsa na, Pasko na next week pero di pa napapadala ni Arvin ung card. malamang next year ko na marerecib yan, pero ok lang. huli man daw at magaling, huli pa rin. 🙂 hehehe.

ito ang pangatlong post namin dito ni komski na Pasko-related. wish ko lang makaisip na kami ng title bago pa magpasko. 🙂 wish ko lang. ^_^

One thought on “uso pa ba un?

  1. sa tingin ko uso pa ang krismas card
    at sa totoo lang naapreciate ko ang christmas card lalo na yung message na nakasulat!
    ayeeee!
    tagal naman ksi ipadala ni kuya komski yang card mo!
    pero okay rin ako sa ecard basta may message pa rin na galing sa puso!
    naks!

    Like

Comments are closed.