last 5 minutes

Andito pa ako sa trabaho, at dahil may limang minuto pa bago dumating ung morning shift, heto, naisipan kong gumawa ng blogentry.

Heto na naman ako, nagiisip na iwan ang kundiman, na gumawa ng bagong blog. Bago. Fresh. Balik sa simula. Matapos iwan ni Arvin ang pagbo-blog dahil sa kawalan ng oras, ako naman ngayon ang iniisip iwanan ang kundiman. Kawawang kundiman. Pero kaya ko nga bang gawin un? Kung gagawa ba ako ng bagong blog eh masisigurado ko bang magu-update ako parati? Ung katulad ng dati? Un ang di ko masasagot. Hindi. Oo. Pwede siguro. Gastos na naman ang iniisip ko.

Hay. Bahala na.

Tingnan na lang natin kung anung mangyayari. ^_^

PS.
October na. Isang taon na naman ang dadagda sa edad ko. Sa totoo lang, di ko pa feel. =)