Two new shelves means extra room on top of my bookshelf which means I can put more books that means I need to go to Barnes & Noble pronto.

songsincode.

Isang linggo ko nang hindi nakakausap  ng maayos si Arvin. Sakto kasi na pagalis ng bagyong Ondoy, nasira naman ung PC nya. Isang linggo ko nang hindi naririnig ang kanyang boses, isang linggo ko na syang hindi nakikita kahit man lang sa webcam. Nakakamiss. Sobrang miss ko na sya.

Kanina dapat sya bibili ng PC, pero bukas na lang daw sabi ng tatay nya. Makakapaghintay naman ako, ano ba naman ang isa pang araw na di sya makausap. Bukas, makakausap ko na sya ulit. Excited na ako. ^_^

Siguradong tulog sya ngayon habang ginagawa ko itong post. Di na kasi sya nakapagreply sa message ko. At dahil sa wala akong magawa at tinatamad akong magfacebook, naisipan kong gawin ito.. =)

kundiman

Yan ang “Kundiman” ng Silent Sanctuary written in programmer’s way. Isa na naman yan sa benefit ng pagkakaroon ng programmer na bf. ^_^ hehe.

Kundiman hanggang dulo.. Andito lang ako.. Nalungkot naman ako bigla. Natakot. Sa kung ano nga kaya ang mangyayari sa hinaharap. Kami pa rin kaya hanggang dulo? Sana. Sana talaga.

Hay. Lalo ko tuloy namiss si Arvin. Di bale, alam kong bukas eh makakausap ko na ulit sya. =)