nakakatamad

LP logoAko: Uy tol, bigay ka nga ng litrato na pwedeng nagpapakita ng Tamad.
Bro: Magiisip ka pa, eh di picture mo.
Ako: *wala na lang nasabi*

Umm, nasabi ko na ba kung gaano ko kamahal ang kapatid ko? Hehe.

Tamad yan ang tema ngayon. Ironic dahil kung kelan Tamad ang tema, saka naman ako sinipag gumawa ng lahok. Buhay nga naman, full of ironies. =) Hehe.

At dahil tamad ang tema ngayon, iiksian ko lang ang entry ko. Nakakatamad kasi. Hehe.

tamad

Ito ang aking lahok para sa ika-78 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tamad. Salamat sa aking model ngayon, si Dug mula sa pelikulang “Up”. Bisitahin ang iba pang lahok dito.

PS.
Madami sa mga malalapit kong kaibigan, kakilala at kamag-anak ang naapektuhan ng bagyong Ondoy. Isa na rito ang lugar ng tiyahin ni Ate Lalaine sa Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City. Andito ang mga detalye kung paano ka pwedeng magdonate – cash or kind. Any kind of help counts. 🙂