hiling

Makulimlim at malungkot ang langit sa labas. Wala akong magawa, nakatitig lamang dito sa nakabukas na laptop nang maisipan kong magpatugtog. Silent Sanctuary, sakto sa panahon. Sakto sa mood. Hiling. Di ko mapigilang hindi magdrama, hindi ko mapigilang maisip ka.

Miss na kita. Sobra. Alam mo un, di na sapat ang usap lang sa telepono, ang titigan sa webcam. Ang hirap. Sobrang hirap noh? Pero kinakaya ko kasi ikaw na ang gusto ko. Nanood ako kanina ng My Big Love. Sam at Toni. Crush mo si Toni diba? Kaya naalala na naman kita. =) At katulad nga ng sinabi ni Sam kay Toni, ikaw ang nagpapasaya sa akin. Ikaw talaga eh. Sorry kung parang lagi na lang kitang inaaway. Konting asar mo lang, napipikon na ako. Hehe. Sorry. Alam mo namang gusto ko lang na lambingin mo ako. Onting suyo lang, ok na ako.

Malapit nang magMarch. Excited na ako. Sobra! Matapos ang isang taon, magkikita na naman tayo. Mayayakap na naman kita. Maririnig ng personal ang lahat ng sasabihin mo. Mahahalikan. Basta makakasama. Gusto ko na ulit maranasan un mahal. Sabi mo nga, balik tayo sa Stage 1 ng relationship. Parang bagong magjowa na naman. Hehe. Sa tuwing naiisip ko un, nawawala ang lungkot at pagkamiss ko sayo. Nawawala kahit konti.

Di natin parehong alam kung ano nga ba ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Ito na lang ata lagi ang naiisip ko – kung ano nga kayang mangyayari pagkatapos nating magkita sa March. Tayo pa rin kaya? Kayanin kaya natin ang di na naman magkikita ng isa pang taon? Masyado akong nagwo-worry alam ko. Pasensya. Pero kasi, gusto na talaga kitang makasama eh. As in. Nasasayangan na rin ako sa panahong di kita kasama. Mas madami pa tayong malalaman sa ugali ng isa’t-isa. Mas madaming mapupuntahan. Mas madaming pagaawayan.

Pero alam kong mali ang magworry masyado. Dahil nadadamay pati ang ngayon. Sa sobrang pagaalala, di ko na naaapreciate ung kung anung meron tayo. Ung bawat usap natin sa YM, bawat text. Mali pala un. Maling-mali.

Ikaw na ang hiling ko. Alam kong alam mo naman yan. Gusto ko lang paulit-ulit na sabihin. Sana di ka magsawang suyuin ako. Sana di ka magsawa sa atin. I love you. =)