25

Masakit pa rin ang ulo ko ngayon, kasi naman, halos alas-kwatro na ng madaling-araw ako nakatulog. Kagigising ko lang, napilitang bumangon dahil pinagpapawisan na ako. Ang taas kasi ng sikat ng araw, naka-kumot pa rin. Kamusta naman un. Kaaalis lang ng nanay ko, papasok na sa trabaho, kaya naman home alone na naman ako. Ang saya. Wala akong magawa, kaya heto naisipan kong gumawa ng entry habang humihigop ng kape. Ala-una ng hapon, nagkakape.

October 20 na. Limang araw na lang, birthday ko na naman. Isang taon na naman ang dadagdag sa aking edad. Bente-singko. Ang tanda ko na. Pansin ko lang, ilang tao na rin ang nagtatanong sa akin, kung kelan daw ba ako ikakasal. Ganun ba talaga un? Kapag mid-20’s na eh, kailangan nang ikasal? Kapag ba hindi ako kinasal ngayong taon o next year eh mae-expire na ako? Hindi naman siguro. Wag naman sana. Hehe.

Speaking of kasal, madami-dami na rin akong kaibigan ang kinakasal at nagkaka-anak. I’m happy for them, I really am. Nainggit ba ako? Oo minsan. Kasi, gusto ko rin namang ikasal. Gusto ko ring maranasang magsuot ng wedding gown at ikasal sa simbahan kung saan andun lahat ng taong mahal ko. Gusto kong makasama ung taong mahal ko habambuhay. Naiinggit man ako, di naman ako pressured na ikasal. Well, kung totoong nga na end of the world na sa 2012, eh un, saka siguro ako magmamadaling magpakasal. Hehe. Pero as of now, wala naman talagang pressure.

Goodluck, early birthday post sana ito, pero parang naging labasan na naman ng frustrations ko sa buhay. Hehe. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handang magkaroon ng sarili kong pamilya. Darating din naman yung time na un alam ko. Di rin naman ako nagmamadali. Enjoy lang, yan lagi ung sinasabi (ng ex ko) sa akin. Wag masyadong mag-alala. Ang importante, masaya naman ako, at di ko man nakakasama ung isang tao na nagpapasaya sa akin, eh ok na rin. Basta alam kong andyan lang sya. Maiintay naman daw nya ako kahit 30 years old na ako eh:P Hehe.

Happy birthday sa akin. ^^, Sobrang agang birthday post ito, di ko kasi alam kung may time pa akong gumawa ng entry sa mga susunod na araw.

Wish ko sa birthday ko? World Peace. At saka isang Nikon D40, plane ticket pauwi ng Pinas at iTunes card (kahit na magkano). ^_^

PS.
Kung sa 30th birthday ko (which is 5 years from now), eh gagawa ako ng birthday post, sisiguraduhin ko nang may ad dun na naghahanap ng lalakeng mapapangasawa. LOL.