you know what’s sad…

You know what’s sad? Naglalaro ako ng Cafe World ngayon at hinihintay lang matapos maluto ung mga dishes ko. Hindi ko pa rin alam kung bakit ako naaadik sa mga ganitong klase ng games na wala naman akong ibang mapapala, nale-late pa ako sa trabaho.

You know what’s sad? Bagong buwan na, pero ngayon lang ulit nakapagupdate dito sa kundiman. 5 days ago ung huling post, mukhang ewan pa. Nawawalan na talaga ako ng ganang magblog. Pero heto pa rin ako, nagpipilit magsulat ng kahit na ano.

You know what’s sad? Hanggang ngayon, wala pa rin talaga akong maituturing na kaibigan dito. Sad talaga no? Ewan ko ba kung sa akin ang problema o sa mga tao. Syempre, di ko sisisihin ang sarili ko. Since, wala namang nakakabasa nito na kakilala ko talaga, napa-plastikan kasi ako sa kanila.

You know what’s sad? Tinatamad na naman akong pumasok mamaya. Hindi na bago yan, basta ayoko lang. Hindi ko na alam kung anung gusto kong mangyari sa buhay ko.

You know what’s sad? Kinopy-paste ko lang ung ‘you know what’s sad?’

You know what’s sad? Pinapaulit-ulit ko lang ung phrase na “You know what’s sad?” para lang humaba ang entry.

You know what’s sad? Gusto ko sanang gawing english entry to, pero di ko pala kaya. Mas nailalabas ko kasi ang nararamdaman ko kapag tagalog ang ginagamit kong pamblog.

You know what’s sad? Matagal na akong hindi nagbo-bloghop. Namimiss ko minsan, pero hindi rin pala. Nagiging anti-social na ata talaga ako.

You know what’s sad? Hindi pa rin matanggal ung virus sa blog ni Jeniffer. Well, ok na ata, naayos na ni Arvin. Sana.

You know what’s sad? Kanina, hindi ako makatulog kaya nanood lang ako ng videos sa youtube. Naaliw ng kaunti sa mga nagsasayaw ng Nobody. Nainggit ako, gusto ko ring sumayaw nun. Next times siguro, kapag payat na ako.

You know what’s sad? Na-blanko na ata ako.

You know what’s sad? Sa sobrang wala na akong makausap, dito na ako sa blog nagdadadal-dal. Tutal, konti na lang naman ung nagbabasa dito, so ayos lang. =)

You know what’s sad? Kelangan ko nang tapusin tong entry dahil baka ma-spoil pa ung mga niluluto ko sa Cafe World.