Nananabik na makapiling ka

[audio:http://kundiman.net/wp-content/uploads/2009/11/komski-makapiling-ka.mp3%5D

Minsan, nahuhuli ko ang sariling nakangiti
Malayo ang tingin
Malalim ang isip
Kailangang magkita muli

Muli kong pinakinggan ang kantang sinend mo sa akin. Nai-save ko na sa iPod ko, at paulit-ulit kong pinapatugtog. Pang-apat na beses na ata habang sinusulat ko ang entry ko ngayon. Di naman halatang gustong-gusto ko ung kanta mo ano? Sabi ko nga sayo diba, pwede mo nang palitan si Yael ng Spongecola. Hehe.

Namiss ko talaga ung mga pagkanta mo dati. Mga ilang kanta na rin ang nadedicate mo sa akin. At masasabi kong isa ito sa magiging paborito ko. Una pa rin syempre ung Tuyo nang Damdamin. Hehe. Kapag kasi pinapakinggan ko ang kanta, parang andito ka lang sa tabi ko, parang ang lapit mo lang. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nakikita ko ang iyong mukha habang kinakanta ito sa harap ko.

Nasaan ka na?
Malayo ka pa ba?
Kay tagal ng iyong pagbabalik

Lagpas isang taon na rin tayong di nagkikita. Ang tagal na ano? Kaya naman pareho tayong kabado at excited sa muli nating pagkikita. Ilang buwan na lang ang bibilangin, magkakasama na naman tayo kahit saglit lang. Isang buwan. Sa loob ng isang buwan, pilit na pupunan natin ng masasayang ala-ala para makabawi sa panahong di tayo magkasama. Excited na ako. Sobra.

Inaaliw ang sarili sa musika
Nananabik ang makapiling ka

Habang di pa kita nakakasama, papakinggan ko na lamang muna ang iyong kanta. Hahayaang yakapin ako ng iyong tinig, at sasabayan pa kita. Alam kong darating din ang panahon na di na natin kailangang maghintay ng matagal, at makakapiling din kita. =)