muling bumalik sa pagkabata

Bakasyon ngayon dito sa San Antonio ang pinsan ko galing Pinas. Kaya naman halos isang linggo akong nag-off sa trabaho para lang makasama at maipasyal sya. Hindi naman kami madalas lumabas dito – mall, sine at kain sa labas lang ang ginagawa namin ng mga kapatid ko. Kaya naman, nagkaroon na kami ng chance para malibot ang San Antonio. In short, naging turista na rin kami.

Sa  loob ng isang linggo, nakapagmall na kami, nakakain sa mga restaurant at nakapagSea World pa. Isang linggo pa lang un, tumaba na naman ako kakakain. Hehe. At kung friend kita sa facebook, malamang sa malamang na-flood na ang iyong Live Feed ng pictures mula sa mga gala namin. =)

May narealize lang ako sa stay ng pinsan ko dito. Anakng. Bumabalik ako sa pagkabata! Haha. Ewan ko ba, mas naa-appreciate ko ngayon ung mga nakikita ko. O siguro dahil nga di rin kasi ako lumalabas masyado ng bahay kaya bago para sa akin lahat ng nakikita ko. Buong linggo din kasi akong ilang oras lang nagkakapag-online, kumpara noon na halos buong araw akong nakatitig lang sa harap ng laptop ko. Ang saya rin palang lumabas ng bahay paminsan-minsan. =) Hehe.

hello kitty!Hello Kitty!

Sesame Street!Sesame Street Christmas Show.

Picture kasama ang paborito kong cartoon character mula pagkabata. 4D Experience ng The Polar Express. Live Christmas Show ng Sesame Street. Kumain ng cotton candy at Funnel cake. Pinanood magbackflip si Shamu. Hay, kung bata lang siguro ako ulit, talagang pupunta ako sa harap ng stage para lang makita up-close si Big Bird. Hindi ako sumakay ng rollercoaster dahil takot ako. Siguro next times susubukan ko naman un.

Medyo naluha ako dun sa The Polar Express. Napaisip kasi tuloy ako. Bakit nga ba kailangang mawala ang pagkainosente natin habang tayo’y tumatanda? Hindi na tayo naniniwala kay Santa, sa miracles, at hindi na tayo mababaw na madaling mapangiti at maka-appreciate ng mga bagay. Kaya siguro nagkaroon ng theme parks, para kahit matatanda na tayo, may lugar pa rin para maibalik natin ung pagkaisip-bata natin. =)

At the end of the day, masaya naman. Un nga lang sumakit ang paa ko. Hehe.