code orange

Ngayon lang siguro ako nakaramdaman ng kaba. Well, ngayon na lang ulit.

Tumawag ang aming director, kakapasok ko pa lang sa shift ko dito sa trabaho. May Code Orange daw – Hazardous agent or chemical, biological, radiological, nuclear or explosive incident. Masyadong broad ang scope ng code na yan, basta nang makita ko ang salitang “hazardous” eh alam kong hindi na maganda. Sabi ng director namin, i-page daw ung mga supervisor, FYI page, na ginawa naman ng isa kong kasama. So ok na, akala ko’y dun na natapos un.

Magisa na lang ako dito sa trabaho, nagring na naman ang telepono, ung director ulit namin. Ang sabi nya’y i-page daw ung supervisor (na papasok ngayon) na pumasok ng mas maaga kesa sa schedule. Sabi pa nya’y papunta na rin sya ng ospital at ie-explain na lang nya kung anung nangyayari pagdating nya dito. Binaba ko ang teleponong hindi ko alam kung anung iisipin. Pi-nage ko ang aking supervisor at tumunganga.

Eh anung gagawin mo daw?
Ewan, maghintay?

Tinanong sa akin ni Arvin yan. Ano nga bang gagawin ko habang hinihintay kong dumating ang mga tao. Kinakabahan ako. Sana nama’y hindi masyadong seryoso ung nangyayari, pero kasi papasok ung director namin eh 1:03am na. Iba ito. Hay. Hindi ko mapigilang isipin na ito na ba un? Ganito na lang ba matatapos ang buhay ko? Sana nama’y hindi.

Ilang minuto na lang, magkakaroon na ako ng kasama dito. Sa wakas. Hindi na ako kakabahan, alam ko na kung anung dapat gawin.

 At sana hindi pa ito ang last blog entry ko.

2 thoughts on “code orange

  1. rio says:

    sana naman at walang mangyaring masama sau dyan karmi..
    ano na bang balita? ok na ba? at saan galing ang hazardous material na yan? sana maalis na kaagad.

    “At sana hindi pa ito ang last blog entry ko.
    >> sulat lang ng sulat..madami kang fans dito at isa na ako dun.=D

    Like

    • karmi says:

      haynaku ate, kinabahan lang ako pero wala namang masamang nangyari =) may spill lang sa 4th floor, eh nasa 1st floor naman ako, so malayo.. tamang kinabahan at naparanoid lang ako. hehehe.

      at opo, hindi ito ang huling blog entry ko ^^ miss you ate!

      Like

Comments are closed.