LP: puffs to go

LP logoDumaan ang Pasko at Bagong Taon, natapos ang taong 2009, na hindi ako nagkakasakit. Naalala ko kasi noong 2008, may sakit ako habang Pasko. Goodluck naman diba? Kaya naman sobrang saya ko nitong nakaraang taon dahil nakakain ako ng madami, naka-attend ng mga Christmas Party at na-enjoy ko talaga ang Holiday Season.

Hindi ko alam na patatapusin lang pala ung Holiday Season, at tatamaan din pala ako ng sipon at ubo. 😐 Kahapon, tinamaan ako ng sakit. Ang saya ng bungad ng Bagong Taon sa akin. Sana lang eh hindi ako buong taong magkasakit.

Nagkasakit na nga ako, sumakto pa na malamig ang panahon. Makapal na jacket, makapal na kumot at itong makapal na stack ng tissue. Yan ang naging kaibigan ko mula kahapon hanggang ngayon. Sana lang gumaling na ako sa susunod na mga araw. *hachoo*

Ito ang aking lahok para sa ika-87 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Makapal (Thick). Hanggang ngayon eh medyo hindi pa maganda ang pakiramdam ko. Kaya tingin ko’y mababawasan pa ang stack ng tissue na yan. Bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro dito.