book-reader’s block

Book-reader’s block. Hindi ko alam kung may ganyang salita talaga o pauso ko lang. Book-reader’s block, isang sakit ng mambabasang tulad ko na nahihirapang maghanap ng librong magugustuhan, kahit na halos ilang oras nang nasa loob ng bookstore.

Kanina lang, nagpunta kami ng kapatid ko sa Barne’s and Noble. Naisip ko na, sakto, kailangan ko nang magbasa ng panibagong libro dahil September 2009 pa ata ung huling librong nabasa ko. Magaapat na buwan na akong walang bagong librong nagugustuhang basahin. Hindi ko alam kung kelan nagsimula ito. Dati-rati nama’y hindi ako nauubusan ng mga librong nabibili at nababasa. Hindi bumababa sa dalawang libro ang binabasa ko sa loob ng isang linggo. Hindi ko alam kung paanong nakatagal ako ng apat na buwan na walang librong nababasa o may nasisimulan pero hindi natatapos. Malala na itong sakit ko.

Wala na akong magustuhang bagong author. May bagong libro ung gusto kong author, pero hindi ko binili ung libro nya. Hindi ko feel. Wala sa mood. Hay, pati ba naman pagbabasa eh kinawawalan ko na rin ng gana? Gusto kong sisihin ung mga bagong author ngayon eh. Wala nang masyadong choices. Dahil sa nauso kasi ang mga libro tungkol sa bampira at “black magic”, halos lahat tuloy ng libro eh tungkol dun. Hindi ko na masyadong feel ung ganung kwento. Masyadong unrealistic. Masyadong predictable. Hindi rin naman ako mahilig masyado sa suspense at action, kaya hindi ko na kino-consider ung genre na un. Love story. I’m a sucker for love stories. Pero wala pa rin akong mahanap na librong magugustuhan ko talaga. Wala na ata akong pag-asa.

Tiningnan ko ang aking bookshelf. May halos 7 libro pa ata akong hindi nababasa. Ok na rin sigurong wala muna akong nabiling libro kanina, dahil ayokong madagdagan pa ung nasa listahan ko. Susubukan ko na lang muna sigurong basahin ung mga libro ko dito at hopefully eh bumalik ang interest ko sa mga kwento, sa pagbabasa.

Goodluck.

3 thoughts on “book-reader’s block

  1. roguey says:

    yea ate! i hate vampire stories and black magic! sheesh! kahit sa national bookstore, yan na lang nakikita ko! heyrettt! *fuckyeahtwilight series* wahahahah :))

    Like

  2. roselle says:

    hi karme, musta? mahilig ka din pala magbasa ng libro. ako din nagbabasa paminsan-minsan depende pag may nagustuhan ako. mahilig ako tumambay sa bookstores naghhanap ng magugustuhan pero pag binili ko na hindi ko naman natatapos basahin. hindi rin ako mahilig sa lovestory. mas gusto ko yung mga inspirational/heartwarming stories. halos pareho lang tayo ng taste 🙂

    Like

  3. Jeniffer says:

    Ay bookworm ka ngang talaga, ako kc twililight lang nahiligan ko kc wala naman ako alam na iba.Hehe.

    Totoo yan, nung last year na nadaan aq dun sa alimall national bookstore, nakita ko yung mga libro dun sa front ng bookstore.E di tinignan ko, kc maganda ung drawing sa front page. Abay! Nagulat aq, mga bloodsucker, butterfly parang fairy world, na kasing laki ng twilight book yung mga bagong release. By series din.. Usong uso talaga.

    Naku,kung aq sayo bilhin mo na lang yung mala genre na shopaholic mga ganun. Kc kakaiba yung story, atliz malayo sa fantasy w0rld. Pag d2 ka pumunta sa pinas, madami sa powerbooks. Mga pin0y pa gumwa,pero english. May tagalog dn,nagmamala bob0ng.

    O xa,bsahin mo muna yang books m0, bgo ka bumili ng bago.

    Like

Comments are closed.