uuwi na ako baby

Uuwi ako ngayong March.

Matapos ang dalawang taon, uuwi na ako ulit, para magbakasyon. January pa lang, nakabili na ako ng ticket at nakapagfile ng leave. Mula March 5-30. Halos isang buwan na rin, pwede na. Medyo naawa nga lang ako sa katrabaho ko dahil wala syang day-off ng buong March. Oh well, sabi ko, papasalubungan ko na lang sya ng Halo-halo.

January pa lang, pero fully-booked na ang schedule ko para sa March. Makikipagkita sa mga kaibigan noong elementary, HS at college; mga blogger friends; naging ka-close sa trabaho; mga kamag-anak at syempre makikipagkita sa baby ko. Ngayon pa lang, inaayos ko na ung schedule ko, para pagdating ng March, gala na lang. Pero ngayon ko lang napatunayan na kahit pala isang buwan ang iyong bakasyon, kulang pa rin. Kulang na kulang. Iba talaga kapag artista. Syempre, biro lang.

Excited na akong makita ulit si Arvin. Grabe, sa wakas, makakasama ko na sya ulit, at hindi lang usap sa YM o telepono. May balak na nga ako paguwi ko eh – gagawa kami ng videoblog at ipo-post namin dito sa kundiman. At saka gagawa ng music video. At saka magpi-picture ng uber dami. At saka – holding hands, yakap, kiss.. hay.. The possibilities are endless, dahil kasama ko na sya. Ang saya. Nasabi ko na bang excited na akong makita ko sya? Sobra.

Sa ngayon, medyo maayos na ung ibang plano, may iilan na lang na hinahanap pa ng date, oras at lugar ang meet up. At medyo nas-stress na rin ako sa pagp-plano. Sa sobrang stressed pati si Arvin eh inaaway ko na. 😐 Hindi ko na lang siguro masyadong iisipin ung paguwi ko. Tamang enjoy dapat. At alam ko namang after ng pamomoroblema ng mga plano eh magiging masaya ako sa March. ^^

Oo nga pala, excited na rin akong makita ang aking pamangkin. Un naman kasi ang dahilan talaga ng paguwi namin (ng kapatid ko), manganganak kasi ung asawa nya. Baby girl. Weee. Kakaexcite. Tita na ako, officially.

Ang lapit na. Ilang araw na lang. Naririnig ko na naman ang kanta ng Orange and Lemons. Na medyo iniba ko ang lyrics.