uuwi na ako baby

Uuwi ako ngayong March.

Matapos ang dalawang taon, uuwi na ako ulit, para magbakasyon. January pa lang, nakabili na ako ng ticket at nakapagfile ng leave. Mula March 5-30. Halos isang buwan na rin, pwede na. Medyo naawa nga lang ako sa katrabaho ko dahil wala syang day-off ng buong March. Oh well, sabi ko, papasalubungan ko na lang sya ng Halo-halo.

January pa lang, pero fully-booked na ang schedule ko para sa March. Makikipagkita sa mga kaibigan noong elementary, HS at college; mga blogger friends; naging ka-close sa trabaho; mga kamag-anak at syempre makikipagkita sa baby ko. Ngayon pa lang, inaayos ko na ung schedule ko, para pagdating ng March, gala na lang. Pero ngayon ko lang napatunayan na kahit pala isang buwan ang iyong bakasyon, kulang pa rin. Kulang na kulang. Iba talaga kapag artista. Syempre, biro lang.

Excited na akong makita ulit si Arvin. Grabe, sa wakas, makakasama ko na sya ulit, at hindi lang usap sa YM o telepono. May balak na nga ako paguwi ko eh – gagawa kami ng videoblog at ipo-post namin dito sa kundiman. At saka gagawa ng music video. At saka magpi-picture ng uber dami. At saka – holding hands, yakap, kiss.. hay.. The possibilities are endless, dahil kasama ko na sya. Ang saya. Nasabi ko na bang excited na akong makita ko sya? Sobra.

Sa ngayon, medyo maayos na ung ibang plano, may iilan na lang na hinahanap pa ng date, oras at lugar ang meet up. At medyo nas-stress na rin ako sa pagp-plano. Sa sobrang stressed pati si Arvin eh inaaway ko na. 😐 Hindi ko na lang siguro masyadong iisipin ung paguwi ko. Tamang enjoy dapat. At alam ko namang after ng pamomoroblema ng mga plano eh magiging masaya ako sa March. ^^

Oo nga pala, excited na rin akong makita ang aking pamangkin. Un naman kasi ang dahilan talaga ng paguwi namin (ng kapatid ko), manganganak kasi ung asawa nya. Baby girl. Weee. Kakaexcite. Tita na ako, officially.

Ang lapit na. Ilang araw na lang. Naririnig ko na naman ang kanta ng Orange and Lemons. Na medyo iniba ko ang lyrics.

12 thoughts on “uuwi na ako baby

  1. Noime says:

    Bakit MAAAARCH? PWEDE BANG JULY NA LANG? :))
    UUWI AKO SA JULY EH *sana matuloy talaga*. Hehe.
    Dibale, dito na lang tayo magkita. 😛

    Like

    • talaga?? uuwi ka ng Pinas?? 😀 weeee!!! sana nga matuloy.. 😀

      March kasi manganganak ung sister-in-law ko.. kasama ko ung kapatid ko eh.. =)

      hahaha.. oo nga, mapupuntahan na kita dyan sa Canada, pwede na kaming magapply for citizenship this year eh.. 😀

      Like

  2. yipee! magkikita na ang magka-loveteam!

    excited to see you. Hindi ako papayag na hindi tayo magkita. 😀 gagawan natin ng paraan. pwede namang magkasakit ako ng isang araw sa opisina. Magdrama sa boss, may sakit po ako si Carmi, yung friend ko ang may bitbit ng antidote.

    Ok OA na. excited lang ako. See you soon!

    Like

    • 😀 weee!! excitement!! ^^

      hahaha.. salamat salamat!! oo, March 15 na date natin nina Yeye! weeee.. 😀 grabe. at long last, matutuloy na ang plano!!! 🙂

      see you soon Kingkay!!

      Like

  3. Inuman na toh! Yes, excited naku, sabi ni yeye sa redbox daw pero sbi ni arvin mahal daw, pero nung nagredbox kc kami dati may promo cla na eat all you can,pag may tinira ka eh magbabayad kayo ng extra fEe.Hehe.. Ndun ung picture sa fb at blog qo.. Ok naman. Pero kahit san naman,ayos lang basta makapagusap lang tayo.. 🙂 yay! Excited na rin aq.. Kinikilig naman aq sa blogpost na ito.

    Like

    • Mahal nga sa Redbox. Gudlak, almost 300php/head?! hehehe.. ung eat all you can, nakita ko nga rin un.. pero mahal pa rin.. sabi ng kapatid ko, ok daw sa Music 21, sa may Timog.. 🙂

      hehehe.. kahit saan nga, basta makapagkita-kita tayo =) weeee.. excitement!

      Like

  4. wow…uuwi ka na pala ulit dito! good! at makikita mo na si sir arvin!…hindi naman halatang miss nyo na ang isat isa eh. hehe! ang cute nung looping stills sa sidebar… i noticed may hawig ka dun sa bida ng “they kissed again”i forgot her name.

    Like

    • Ron! =) long time no dalaw ako sa blog mo.. 😦 grabe, uber busy kasi eh..

      anyways, buti naman at hindi masyadong halata na miss na miss na miss ko na si Arvin.. hehe, medyo lang.. =) grabe, ang tagal din kasi ^^

      wow, si Ariel Lin ba ang tinutukoy mo? 😀 hahaha.. fan kasi ako ng It Started with a Kiss saka They Kiss Again eh.. 😀 weee..

      Like

  5. dapat kasama rin to sa list mo: Trip to Davao. andito kami ni Eumi nyn 😀 and may promo seat ang cebu pac sa march22 at march 26. wahahahahah :))

    Like

Comments are closed.