bagong tumblr theme.

After 1 hour of searching, eto na ang theme na napili ko. Tinatamad akong gumawa ng sarili kong theme, siguro pagaaralan ko na lang muna codes dito sa tumblr. Simple, puti at maliliit ung font. Wala nga lang search box at ung “x” sa gilid ng picture ung iki-click para makita ung post mismo. Hindi rin nakikita ung notes. Ang dami kong reklamo sa theme na ito, pero ok na rin. =)

Nga pala, may shoutmix na rin dito, magiwan sana ng bakas ung mga dumadalaw dito sa tumblr ko. May hits naman kahit papaano eh. 🙂

May narealize ako after kong magpakapagod ngayon.. Nakakamiss din pala ang magcode.

Sobra. =)