dahil bigla kong namiss magpost

ayan, matutulog na dapat ako pero dahil inaantay ko pang makauwi si Arvin eh naisipan kong magpost dito. di naman ako makapagpost ng picture dahil iPod Touch lang ang gamit ko. sayang, ang dami ko pa namang pictures na gustong i-share. tingnan nyo na lang ung FB account ko for pics.

ang saya ng bakasyon ko. ang tikas ko dahil araw-araw talaga ang gala ko. nakakatuwa dahil nakita kong muli ung mga kaibigan ko. hay, mamimiss ko na naman sila pagbalik ko ng Texas.

ilang araw na lang kasi, balik na ako ulit ng Tate. nakakalungkot, mahihirapan akong umalis. hay. pero ganun talaga, life.

basta, enjoyin ko na lang ung huling mga araw kong stay dito(: di pa panahon para malungkot. hehe..