7:35pm

Alas-syete na ng gabi, simula bukas, Lunes, alas-otso na ng umaga ang pasok ko. Kanina ko pa gustong matulog, para siguradong magigising ako ng maaga bukas. Ang OA ano? Ang tagal ko na kasing nagtatrabaho ng gabi kaya ko na alam ang magiging kundisyon ng katawan ko sa umaga. Hopefully, hindi ako ma-late. Hindi naman siguro. Baka maaga nga akong magising bukas dahil excited akong masyado.

Wala akong ginawa kanina, nanood lang ng tv – ASAP XV, Your Song saka The Buzz. Talagang inabangan ko ung The Buzz dahil alam kong may follow up pa ung love story nina Mariel at Robin. Ang haba ng hair ng lola mo un lang. Hehe. Ang ayoko lang siguro sa The Buzz eh ung paghohost ni KC Concepcion. I like her, I think effective syang talkshow host, pero naman, sinasapawan nya si Charlene. 😦 Wala lang, dapat pagsalitain nya din si Charlene eh. Eh wala, sa bawat isang salita ata ni Charlene, isang sentence kaagad si KC. Basta un. Nanonood na kasi ako ng The Buzz dahil kay Charlene. I like her. Ifo-follow ko nga pala sya sa twitter. Hehe.

Pumasok tatay ko ng kwarto, matulog na daw ako. Hehe.

Isang malaking pagbabago talaga para sa akin ang gumising ng alas-sais ng umaga. Sana mapangatawanan ko. Goodluck sa akin. ^^