8-9-10

Gising na mahal ko.

Malapit na ang uwian, isang oras na lang. Heto ako’t nagpapatay ng oras, naghihintay nang maisipan kong i-text ka. Kelangan mo nang gumising dahil maaga pa ang pasok mo. Naka-ilang text na din ako sa’yo pero di ka pa nagrereply. Siguradong napasarap na naman ang tulog mo.

Bago na schedule ko ngayon, pangumaga na ako. Hindi na sabay ang oras natin, ang umaga ko’y syang pagtulog mo. Tulog naman ako’y nasa eskwelahan ka’t pinipilit na labanan ang antok. Isang pagbabago para sa atin na alam ko namang makakayanan natin. Magagawan ng paraan na makapagusap pa din kahit na magkabalik ang oras. Tayo pa diba? 🙂

Malapit nang magalas-kwatro dito, magaalas-singko na mahal. Itetext kitang muli pagtapos kong isulat nitong entry. Sana lang magising ka na sa pangungulit ko. Hehe. 🙂

Posted with WordPress for BlackBerry.