ohmyREBLOG?

nakakatawa dahil nung sinimulan ko ang tumblelog ko na ito, pinangako kong pictures lang ang magiging laman nito – mga litratong kuha ko gamit ang aking telepono, kaya nga ohmyBB. pero wala eh, napapadalas ang pagrereblog ko at paggawa ng mga ganitong text entries at minsan pa nga’y video. at naalala ko meron na din akong chat entry at audio entry na nilagay dito. in short, parang gusto ko nang palitan ang pangalan nitong tumblelog ko. hehe. pero joke lang.

ngayong pangumaga na ako, mas mapapadalas na ang pagkuha ko ng litrato. ibig sabihin, mas madami na akong mailalagay dito ulit. magrereblog pa din siguro ako ng entries paminsan-minsan lalo na’t kung may litrato ulit na magkasama sina Ramon Bautista at Ebe Dancel. hehe.