Tinag ako ng tita ko sa FB pero dahil nasa trabaho ako, hindi ko nagawang matingnan kung anung litrato ba un. Basta ang alam ko lang, malamang picture ko noong bata ako dahil “Childhood Memories” ang title nung album.

Paguwi ko ng bahay, etong litrato ang bumungad sa aking Wall. Hindi ko napigilang hindi matawa.:P Grade 1 ata ako nyan. Hahaha. Nagiiba talaga itsura ko kapag may make-up. At sobrang wala akong mata dyan. 😛