Day 5: Make a list of the things you like about your boyfriend

Things that I like love about my baby.

  • His smile. Gustong-gusto ko kapag nginingitian nya ako. Parang kahit na galit ako eh, mawawala ung inis ko sa kanya. Tas kapag alam nyang may kasalanan sya, pagtapos nya akong ngitian, magso-sorry na yan ng walang patid. Wala na, matutuwa na ako sa kanya.
  • His voice. May crush pa lang ako sa kanya noon nung narinig ko ung version nya ng “Tuyo nang Damdamin” sa blog nya. Wala na, na-hook na ako mula noon. Sya pa ang gumigising sa akin sa umaga, kaya boses kagad nya ang naririnig ko pagmulat ko ng mata. Sarap sa pakiramdam. šŸ™‚
  • Letters. Gustong-gusto ko na binabasa parati nug mga sulat nya sa akin. Un naman kasi ang una kong nagustuhan sa kanya, ung pagsusulat nya ng mga kwento sa blog nya dati. Bawat sulat na binabasa ko, parang sya na rin ang mismong nagbabasa nun sa akin. Parang ang lapit lang nya.
  • Sobrang haba ng pasensya. Alam nya kung kelan ako galit at ramdam nya un. Pinagpapasensyahan nya ang pabago-bago kong mood. Iniintindi nya ako at hindi nya sinasabayan ung topak ko.
  • Uber galing mangasar. Aminado ako na kahit madalas nya akong asarin o biruin, gusto ko ung ugaling un sa kanya. Gusto ko un kasi alam kong tanggap nya ako kahit na ano pa man ako. Hindi ko kailangang magpanggap sa tuwing kasama o kausap ko sya.
  • Very supportive. Kung ano man ang maging decision ko sa kahit na anung bagay, ginagalang at sinusuportahan nya ako. Gusto ko din na pinaparealize nya sa akin ung “both sides” ng isang situation para hindi ako maging biased. Minsan nga, naaasar ako kasi tama sya. šŸ˜›
  • Sobrang sweet. Ung mga simpleng text message, tawag, mga sulat, chat sa YM o GChat. Sa lahat ng yan, napaparamdam nya ang ka-sweetan. Isang titig lang nya sa akin sa webcam, wala na, alam na. Hehe.
  • He made me love myself. Punung-puno ako ng insecurities sa katawan. Pero si Arvin, minahal nya pati ung mga mali na nakikita ko sa sarili ko. Sobrang naramdaman ko na special talaga ako sa kanya.
  • I love the way he love me. In his own way, naparamdam nya ung pagmamahal nya sa akin kahit na ilang milya ang lalo namin sa isa’t-isa. Malayo man, alam kong andyan lang sya para sa akin, di ako iiwan at handang maghintay.