Day 9: Give your definition of love.

Love. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan. Di mo namamalayan, napapangiti ka na lang bigla dahil sa ika’y may naalala. Gusto mong magkatotoo ang iyong mga panaginip para mayakap mo sya ng totohanan. Love. Kahit na magkalayo kayo, sya pa rin ang iyong naiisip at sobrang gusto mong makasama. Simpleng text ay kinikilig ka na. Naaamoy mo ang kanyang pabango sa tuwing binabasa mo ang kanyang mga sulat. Naaasar ka sa mga biro nya, pero natutuwa ka naman talaga. Bawat kanta’y parang isinulat patungkol sa inyong dalawa. May problema mang dumating, alam mong kakayanin at masosolusyunan ninyo. Kayo pa diba?

Ang pag-ibig ay nakakapaghintay at nananabik sa susunod na pagkakataong kayong magkakasamang muli.