Day 10. Write a letter to your boyfriend

Baby ko,

Day 10. Write a letter to your boyfriend. Gumawa daw ako ng sulat para sa’yo. Speaking of sulat, magpapadala na naman pala ako ng sulat, September na eh. Ipapadala ko na next week, para (sana) umabot sa monthsary natin. Gusto ko na ding matanggap ung sulat mo sa akin, excited na ako.

Ayan, haba ng intro. Eto na talaga ung sulat.

Gusto kong malaman mo na sobrang swerte ko dahil sa pagmamahal at pagintindi na ibinibigay mo sa akin. Oo nga’t madalas kitang awayin pero nalalagpasan natin lahat, well natatagalan mo ang mood swings ko. Hehe. At dahil dyan, gusto kong magpasalamat. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin – mga text, tawag at pagpupuyat mo. Hindi naging hadlang ang layo natin sa isa’t-isa para maramdaman ko ang pagmamahal mo.

Paminsan-minsa’y nagkakaroon tayo ng tampuhan, o nagtatampo ka sa akin kaya sorry. Sorry at hindi na mauulit. Pipilitin ko nang magpakabait. Hehe. Basta tandaan mong ikaw ang mahal ko at wala nang iba. Sobra mahal. šŸ™‚

I love you baby. Di ako bibitaw, hindi tayo bibitaw. Alam kong makakasama pa kita at hihintayin kong mangyari ang pagkakataon na iyon.

*yakap*
Baby mo.