i have a MAJOR MAJOR BLOG problem

I love you Venus Raj!:)

Kausap ko sina Arvin at Yeye sa YM. May virus daw kasi ung About page ni Yeye sabi ng kaibigan nya kaya pinacheck ko na din kay Arvin. Naayos na ang problemang iyon, nadelete na ung suspicious files na nasa loob ng folders sa themes ng idlip. Ayus, problem solved. Wala na ung malware.

Dahil sa nakalogin na din ako sa cpanel ng kundiman, naisipan kong magbura na ng files na hindi namin ginagamit. Mga subdomain at extrang MySQL databases. Namiss ko din ang magkalikot ng blog, wala na kasing oras para dito eh. Sinabihan ko si Arvin na magbubura ako ng files, sabi naman nya’y ok daw. Pinuntahan ko ung MYSQL databases at napansin na may dalawang hindi naman ginagamit — un pa kasi ung ibinigay ko kina Clarice at Jeniffer noon. Nabura ko na ang dalawang database nang magmessage sa akin si Arvin. Gamit daw nya ung dalawang DB na un sa sudocode.net nya. Wala na akong ibang nasabi kundi ‘syet’.

Binisita ko ang sudocode, error na. Gusto kong umiyak sa pagkaasar. Hay. Kung bakit kasi hindi ko muna chineck ung laman nung DB. Nakakaasar talaga. Sabi naman ni Arvin, ok lang daw, nakacache naman ung sudocode kaya copy-paste na lang daw. Ok, solved na, pero may nakita kasi akong forum na nagsasabing posible pang marecover ung na-delete na DB, un nga lang kailangang kontakin ung host mismo. Walang problema, mago-open na lang ako ng ticket at hihintayin ang reply nila.

Makalipas ang ilang minuto — invalid email address/password; tatlong number ang sinubukang tawagan — (1) may nakausap na technical support pero hindi nya ako natulungan, (2) out of reached, (3) cellphone ata ng isang Pinoy; at “shannhost.com uses an invalid security certificate. The certificate expired on 1/24/2010 6:27 AM”. In short, MAJOR MAJOR FAIL ang attempt ko sa pagcontact sa host ko. Feeling ko pa, nareredirect ako sa ibang website. Adik. BakitĀ  kaya di ko sila ma-contact? Well, nagemail na lang din ako sa kanila at tinext ko ung kaibigan kong blogger na nagrecommend ng shannhost. Sana lang magreply sila kaagad.

Buti na lang at naitago ko pa ung mga e-mail nila sa akin, nalaman ko tuloy na October 23 na mage-expire ang host ko. Dalawang buwan na lang. Kapag hindi pa ito naayos kaagad, mawawalan kami ni Yeye ng blog. Sign ba ito na kailangan ko nang magpalit ng host? Hay.

[edit]
Baka naman may mga readers itong kundiman na hosted din sa shannhost.com. Nakakalogin ba kayo? Tulog please? E-mail nyo lang ako.. carmefrancia@gmail.com. Salamat!
[/edit]