one month after

Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng lakas ng loob na i-post ito online. Oh well, mahilig naman akong magovershare so, what the heck, ok lang.

Isang buwan na ako nagpupunta ng gym. Napagdesisyunan kong magenroll sa isang gym at kumuha ng personal trainer dahil pakiramdam ko, sobrang taba ko na. Hindi na ako masaya sa itsura ko at sobrang nadedepress ako kapag hindi na kasya sa akin ung mga damit na naisusuot ko dati. Kumuha na din ako ng personal trainer kahit medyo mahal dahil alam ko na hindi ako pupunta lang ng gym para magworkout. Malamang sa malamang eh tatamarin ako. Kaya kailangan ko ng motivation at magmomotivate sa akin para pumayat. Nakatulong din siguro ung extrang bayad, ayoko din kasi na masayang ang pera ko, hehe.

2x every week and session ko kasama ang personal trainer ko. Bago pa man ako magsimulang magworkout, inassess nya ako – measurements, weights, push ups, flexibility. Nalaman ko na soooobrang hina ng katawan ko at madami akong dapat talagang gawin. Hindi lang sapat ung will power na papayat ako kung hindi ako kumikilos diba? Hehe. Anyways, naka-8 sessions na ako sa trainer ko sabay ang zumba at water aerobics tuwing weekend. Tatlong beses sa isang linggo ako nasa gym, sobrang sulit na ung bayad ko.

Kanina inasses ulit ako, tapos na kasi ang isang buwan. Oras na para makita kung may improvements ba sa katawan ko. Moment of truth, kinabahan ako. Parang lahat na lang ata ng exam eh kakabahan ako, lalo na itong physical exam.

All in all, medyo not bad naman ang results. Naggain ako ng 1lb pero naglose naman ng inches. Sabi ng mga kaibigan ko, muscle daw ung na-gain ko. Pero bakit mataas pa din ung BMI ko? Ewan. Basta masaya na din ako sa results. Kailangan na lang talagang magbawas ng pagkain. Un ang medyo mahirap pero kaya yan!

Isang taon ung contract ko sa personal trainer ko. Ang balak ko eh maglose ng 20lbs. Sana magawa ko. Kaya yan. Sa Thursday eh may session ako. Upper body ata ang iwo-work out namin. Sasakit na naman ang kaliwang braso ko. Pero worth it. Gusto kong pumayat eh. Kakayanin! Aja! 🙂