1am

Hindi ako makatulog. Pwede naman akong manood na lang ng kahit na ano sa Netflix pero hindi ko naman alam kung ano ang gusto kong panoorin. Malamang eh aabutin ako ng kalahating oras sa pamimili ng movie o tv series. Bat ba kasi ang daming choices. Overwhelming. Hastag: First World Problems.

Inuubo pa din ako hanggang ngayon. Sama ng pakiramdam. Kaya din siguro hindi ako makatulog eh dahil panay tulog ang ginawa ko buong araw. Sad face. Ayokong magkasakit. Nagskip nga din ako ng gym kahapon, mamaya na lang, sana hindi na masyadong masama pakiramdam ko pagkagising. Un eh kung makatulog ako ngayon.

Haaaay. Gusto kong umalis. Pero wala akong makasama. Wala din akong plano kung saan pupunta. Basta ung aalis lang tapos tipong roadtrip? Saya nun. Libre namang mangarap diba?

Susubukan ko na mga ding matulog. Gooooodluck.