#LazydaysandMondays

Half-day na nga ako ngayon sa work, pero sobrang wala pa din akong ganang magtrabaho. As in. Wala. Ilang ulit kong binasa ung documentation na kailangan kong intindihin pero lumilipad ang isip ko. Gusto ko nang umuwi. Eto nga, gumagawa na lang ako ng blogentry para kunwari eh busy akong nagty-type. Pakitang-tao si Mimay.

Ngayon lang ata ako tinamad ng ganito. Ung kahit na ilang beses kong ipilit na intindihin ung process flow na ginagawa ko, hindi ko magawang magfocus. Hindi ko talaga alam kung anung meron ngayong araw. Siguro dahil ayoko din nung ginagawa ko.

Ine-enjoy ko lang itong pagpepetiks ko. Kasi malamang sa malamang, magiging busy na naman kami sa mga susunod ng linggo. Sigh. Sana lang eh hindi na ako tamarin bukas. At sana magmake sense na din itong documentation na sampung ulit ko nang binabasa.