Lead

Another milestone, naks.

Nagmeeting kami kanina. May panibagong release kasi para sa project namin. Bago ung meeting, sinend sa amin ung powerpoint presentation. Binuksan ko at nagulantang ako sa nakita ko sa org. chart namin. Holy cow, lead na ako. 

Lagi kong sinasabi na hindi ako sanay na magsalita sa harap ng madaming tao. Hindi din ako sanay na maging leader. I’m more of a follower nga eh. Pero hayan, wala akong magagawa, lead ako ng isang piece ng release namin. May isang tao na magrereport sa akin. Holy cow. Haha.

Hanggang ngayon kinakabahan pa din ako. Ewan. Another challenge. I guess hindi naman ako forever na minion lang. Kailangan umangat sa org. chart. Hindi ko lang siguro inexpect na ganun kataas ung confidence level ng mga managers at leads ko sa akin. Haaaay. Kabado. Sana lang hindi ko sila madisappoint. Un lang siguro ang concern ko ngayon. Ung magawa ko ung dapat kong gawin. Paano ba maging lead?! Ni hindi ko alam, haha. Oh well, salamat Papa God. ^_^

Ngayon ko lang din narealize, ako lang ung wala sa DC sa team ko. Hanep. Hehe. Goodluck sa akin. Gooodluck!!!!