Have time to kill

Tapos na ung task ko ngayong araw. May panibagong task pero bukas ko na lang sisimulan. Tutal, nagiintay pa naman ako ng confirmation. Kaya eto, tumblr time. 🙂

Kinarma ata ako. Dahil sa sobrang pagrereklamo ko, ayun, naging busy kanina dito sa trabaho. Haha. Either kinarma ako o masyado lang akong malakas kay Papa God. Ayaw ko ng nabobored ha, ayan. Boom. Tama nga si Yeye, malamang reklamadora lang talaga ako. 😛 Hehe.

Excited na din akong umuwi. Medyo madami pa akong bibilhing libro. Lima na ung nasa wishlist ko, goodluck. Sana lang magkaoras akong magbasa diba? Gagawan ng paraan. 🙂 Nakakamiss na din magbasa kasi eh.

Gusto kong magpagupit. Parang uber dry na kasi ng buhok ko. O kulayan ko na lang ulit? Hmmmm. #FirstWorldProblems. Haha.

30 minutes pa akong magpapanggap na nagtatrabaho. Ano pa bang magawa online?