Doppelganger

So. Nitong weekend eh nagpunta ako, kasama ang mga kaibigan ko sa trabaho, sa isang shooting range. Unang beses kong humawak ng baril. Hindi ko din akalain na gagawin ko nga ito, takot ako sa baril. Feeling ko makakabaril ako ng tao o di kaya I’ll end up hurting myself.

Pero ayun, nagenjoy naman ako. Pinost ko pa nga dito ung target ko. In fairness daw, ok ung ginawa ko, para sa isang first-timer. Enjoy naman. Kung may magaaya sa akin na pumunta ulit dun, sasama ako, hehe.

Ayun, minessage ako kanina ng kaibigan ko.

is this you? http://imgur.com/gallery/YG6itAe

Kinlick ko ung link. Holy shizz. Haha. Isang malaking coincidence. 

Hindi po ako yan.