Mission Accomplished

Alam ko na nga sa sarili ko na may tendency akong magovershare. Pero ayun, ginagawa ko pa din. Kung ang goal ko eh layuan ako ng mga taong mahalaga sa akin, masasabi kong I got that part covered.

Hindi ko alam kung anung gusto kong mangyari. Kung bakit nga ba sinasabi ko ang mga bagay na hindi naman dapat. Napapailing na lang ako eh. Well, ayun nga, malamang lalayuan na ako. Parang para sa akin, its either ok na ok tayo o hindi tayo maguusap. Laging extreme, walang in between. It’s either tayo o hindi, ganun kasimple. Pero natutunan ko na hindi naman laging ganun. Hindi laging gusto ko ang masusunod. Kung magiging extreme parati, mamamatay akong magisa. Mawawala lahat ng mga taong mahalaga sa akin.

Mission accomplished Mimay. Ang galing mo. Goodluck na lang.