Ano daw ang problema ko

Well.

Hindi ko din alam. Actually, alam ko pero hindi ko ma-explain. Actually, kayang-kaya kong i-explain pero siguro nahihirapan din akong aminin sa sarili ko mismo. No, actually, I admit, hindi ko tinatago pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Walang gana. Lilipas din ito kapag nakakain na ako. Move on Mimay. Kahit na wala ka namang reason para magmove on. Ayus lang ba na ganito na lang ang maramdaman ko dahil sa isang taong aalis? Ayan, nasabi ko din. Malungkot ako kasi may aalis akong malapit na kaibigan. May chance pa naman kaming magkita dahil may mga common friends kami. Pero iba talaga ung as in nakakasama mo dahil iisa kayo ng pinagtatrabahuhan kesa sa paplanuhin nyo, once a week ung pagkikita nyo.

Well, ano nga ba ang problema ko? Hindi naman big deal masyado. Mamimiss lang kita.