wake me up when October ends

Wala pang October pero ang hectic na ng schedule ko sa trabaho. Iniisip ko pa lang, nakakapagod na. Sana kayanin ko! Well, no choice, kailangang kayanin!

Hindi ako makakaroll off ngayong buwan. Hindi pumayag ung current project ko. May isang problema. May boot camp ako sa susunod na buwan mula Oct. 7 hanggang Nov. 1 para sa bagong project na sasalihan ko. Problema? Kailangan kong hatiin ang katawan ko – isa aattend ng boot camp, isa eh magle-lead sa current project ko. Kung pwede lang may ka-clone, eh di hindi problema ito ngayon. Hay. Kinausap ko na ung lead at manager ng current project ko – pinaalam ko ang concerns ko, ung mga plano ko. Sana lang tanggapin nila. Sana pumayag sila sa gusto kong mangyari.

Eto ang plano ko:

Since 8am-5pm ung boot camp, balak kong pumasok ng maaga – isang oras bago magstart ung class. Tapos, lunchtime, work ulit. Tapos after ng class, magsstay pa ako ulit ng ilang oras. Yan ang plano kong gawin sa loob ng isang buwan. Ngayon pa lang, feeling ko hindi ko kakayanin pero yan lang ang way para magawa ko pareho.

Oh, may gym time pa pala. Next month pa naman. Sana lang talaga pumayag ung project ko sa gusto ko. Hay.