00:30

I seriously don’t know what’s wrong with me.

Totoo nga na parang hindi na nakuntento ang tao sa buhay nya. Na lagi na lang may kulang kahit na wala naman. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Stressed sa trabaho tapos paguwi ng bahay, pagod. Minsan walang gana. Ung tipong sumasabay na lang sa agos. Routine na ang ginagawa araw-araw. Hmmmm, baka kaya din ganito ako. Kasi naghahanap ako ng bago, ng excitement. O di kaya problema. Yep, naghahanap ako ng problema. Kaya uulitin ko, ano ba ang problema ko?

Kung tutuusin, maswerte naman ako. Kaya kong bumili ng kahit na anung gustuhin ko. Oo, stressed sa trabaho pero masaya pa din naman ako sa ginagawa ko. Kahit na puro reklamo lang ako nitong mga nakaraang linggo. Walang problema sa bahay. Ok din love life. Nakakalabas kasama ang mga kaibigan. So anung problema diba? Wala. Pero meron.

Hindi ako masaya. Parang lagi na lang may pag-aalala sa isip ko. Ugggh. Dapat mawala na un eh, pero hindi ko alam kung paano. Minsan, pakiramdam ko, wala na akong pakialam. I stopped caring. Ewan ko. Hindi ko din maintindihan.

00:36. Kailangan ko nang matulog. Trabaho pa bukas.