masandal tulog

Alas-sais ng umaga ako nagising. Nasa work na bago mag-8am. Buong araw busy sa work, training. Masyado akong natutuwang magcode. As in. Ewan. Basta masaya.

Nanood ng Prisoners. Nastress ako sa pelikula. Haaay. Leche. Nakakatakot. Kung may anak siguro ako, hindi ko papanoorin un. Magalas-dyes na ako nakauwi.

Mula alas-sais kaninang umaga hanggang alas-dyes may ginagawa ako. Magaalas-dose na pero hindi pa din ako makatulog. Kelan kaya mangyayari ung mahihiga ako tas diretso tulog? Kelan darating ung panahon na hindi na kita ime-message bago ako matulog. Iintayin ang reply mo kahit na alam kong hindi ka naman makakapagreply. Gabi-gabi na lang ata ito.

Gusto kong dumating ung araw na sobrang pagod ako, wala nang oras para magisip. Wala nang lakas para makaramdam pa ng ganito.

Mimay. Sinabi ko sa sarili kong tama na.

Tama na.