masyadong madaming bagay na nagpapasaya

Sayang ang panahon na nalulungkot lang. Na nagaalala. Mas mabuti pang magfocus sa mga bagay na nagpapasaya sa akin. Sumama sa mga taong nagpapangiti. Panahon na para mahanap ko ulit ang sarili ko. Gawin ang mga gusto.

Magtu-29 na ako sa susunod na Biyernes. Panahon na para umasta sa kung ano ang edad ko. Kaya ko naman eh. Mas pinipili ko lang na magdwell sa nakaraang hindi naman na maibabalik pa.

Ayan. Tigil na ko. Baka magsimula na naman akong magdrama. Pinipilit kong maging masaya. Kinakaya kong magisa. One day at a time. I’m taking life one day at a time.