Poland

Eksaktong isang taon ngayon, nasa Poland ako. Isang taon na din pala nung nakapagEurope ako. Hay. Tinitingnan ko pa lang ung pictures eh namimiss ko na magtravel. Kung madami lang akong pera, siguro taon-taon akong magta-travel. O kaya kung magkakaroon lang ako ng trabaho na palaging naglalakbay, kukunin ko talaga un! Gusto ko ung pakiramdam na nasa bagong lugar at walang kakilala. Refreshing sabi nila, totoo un.

Same time last year, nagiintay ako ng sagot sa application ko para magMasteral. Hindi ako nakapasok. At katulad nga ng laging sabi ng nanay ko, ibibigay sa akin ang kung ang para sa akin. One year na ang nakalipas, nasa bootcamp ako ngayon para sa SAP ABAP. Kita mo nga naman eh no, tama talaga ang nanay ko! Hehe.

Excited na ako sa trip ko papuntang Japan next year. Malamang masaya un! Gusto ko nang magtravel ulit!