long distance relationships can work

Ung isang kaibigan ko sa FB, uuwi ng Pinas in 2 weeks tapos pagbalik nya dito sa States, kasama na nya ung fiance nya. Sa tuwing nakakabasa ako ng ganitong kwento, natutuwa ako. Kahit na madaming nagsasabi na hindi posible ang long distance relationship, nagkakaroon pa din ako ng hope. Posible pa din ang happy ending. Posible pa din na magwork ang isang relasyon na magkalayo at tanging internet lang ang paraan para makapagusap.

I’m happy for my friend. I’m glad na matapos ang halos limang taon na magkalayo sila ng bf nya, eto linggo na lang ang binibilang, magkakasama na sila. For good.

Nakakainggit.