buhay pa ako

Surprisingly, buhay pa ako.

Parang sobrang dami kong pagod simula pa nung isang linggo. Well, hindi parang, sobrang dami talaga. Work saka training. Araw-araw akong nagigising ng alas-sais ng umaga at nakakainis dahil before 8am nasa work na ako. Hindi ito normal para sa akin.

Tapos nasa training room ako buong araw, pilit na iniintidi ang lessons habang nagiisip din kung paano maso-solve ung issues sa current project ko. Feeling ko may switch utak ko eh. On/Off. So far, hindi pa naman nakakalimutang magbago at ma-switch sa kung ano ang dapat takbo ng utak ko. Ang hirap magmultitask pero buhay pa naman ako.

Kagabi, sobrang sakit ng ulo ko. Pagkakain nga, higa kagad at tulog. Nagising ng magaalas-nuebe ata, nagonline, may tinawagan tapos nahiga ulit. NagYoutube tapos nalaman ko na libreng magdo-download ung OS X Mavericks. So syempre, kahit nahihilo, humarap pa din ako sa aking laptop para magdownload. Lumalabas ang pagkaOCD ko.

Pinainom din ako ng gamot ng nanay ko. For some reason, gusto kong gumaling pero ayokong uminom ng gamot. Well, wala akong nagawa, pinagalitan ako eh.

Nagising ako kanina, pinakiramdaman ang katawan. Medyo nahihilo pa din pero di na ako nilalagnat. Iniisip ko kung magpapakatamad ba ako at hindi papasok. Pero grabe, mamimiss ko ung training at trabaho. Doble ang mawawala sa akin. Kaya eto, andito ako sa trabaho. Nagpapanggap na nagpo-program pero nagsusulat lang pala. Haha.