kung ang buhay ay parang social media.

Untag.

Hide from profile.

Unfriend.

Unfollow.

Delete.

Change status.

Block.

Sana nga ganun na lang kadali ang magmove on ano? Just click on the ‘X’ tas ayun na, wala na sya sa profile mo, forever. Parang walang nangyari. Kung pwede lang ganun kasimple ang mawala lang ang isang tao sa buhay mo. Mabura ang mga ala-ala. Totally i-block mo sya. Ung hindi na nya makikita ang nangyayari sa buhay mo o vice versa. Kung ganun lang kadati, sobrang simple siguro ng buhay.

Pero syempre hindi eh. So sorry na lang.