29th

Uy. Happy Birthday sa akin.

Holy smokes. 29 years na akong nabubuhay. So far, so good naman. Happy sa kung anung nangyayari sa buhay ko. Madalas man akong magreklamo at magdrama, thankful pa din sa mga nangyari at sa mga mangyayari pa.

Kung last year, nasa bakasyon ako for my birthday, ngayon wala akong pahinga. Haha. As in trabaho pa din. I can’t really complain dahil blessing na din sa akin itong bago kong trabaho. Early birthday present sa akin. Swerte Papa God, kaya naman super thank you. 🙂

29 years old. Mga ilan na din ung nagsasabi na malapit na akong mawala sa kalendaryo kaya dapat magasawa na. Ito ang lang masasabi ko – ok. Wala eh, ewan kung dahil nagiging workaholic na ako, o sadyang nagbabago ang priorities ng tao sa buhay, pero wala sa plano ko ngayon ang pagaasawa. Dati, gusto ko na by the age of 30, ikasal na ako. Ngayon, plus na lang siguro ung magkaboyfriend ako. Well, paano naman eh kung hindi naman ako naghahanap. Darating na lang siguro sya. Sa tamang oras.

Work, pamilya, kaibigan. Ok sa alright na ako sa tatlong bagay na yan. Basta nabibili ko ung gusto ko, ok na din. Happy Mimay na. Wala na din akong maisip na wish – siguro ung makapagdesisyon na ako ng maayos sa susunod. Make good choices Mimay. Mind > heart this time.

Anyways, happy birthday ulit sa akin. Here’s to another year of awesomeness.