About Time

Napapadalas na ung panonood ko ng sine mag-isa. Mas ok ung ganun, at least pwede akong manood kahit kelan ko gusto. So kahapon, nanood ako ng About Time. Time travel + love story. Sold.

Tumawa, naiyak, kinilig. Medyo predictable ung kwento dahil hindi naman ito ang una kong time travel movie na napanood. Pero may something pa din itong movie na natuwa ako talaga. Alam naman natin na kapag nagtime travel eh pwedeng mabago ung hinaharap di ba? Kaya un ang natutunan ko. Kung ano man ang nangyari na, hindi na pwedeng mabago. We have to appreciate life as it happens right now, para kung pwede mang magtime travel, we go back just to experience the feeling again at hindi ung may babaguhin kang pangyayari sa buhay mo.

Cool magtime travel. Madami akong gustong balikan sa buhay ko. Pero may babaguhin ba akong desisyon? Meron. Haha. Pero di na lang. Kaya ako ganito ngayon eh dahil ilang beses akong nagkamali at nadapa. We can’t just go back to change the outcome. We have to learn how to deal with our own actions.

Nakakakilig ung movie. True love. Its been awhile. Gusto ko din ng ganun.