nangangamoy blog entry

Hindi ko talaga alam kung bat nauso pa ang term na friendzoned. Sabi nga sa HIMYM, imposible na maging magkaibigan lang ang single na babae at lalake. Pagtagal, magkakaroon ng something sa pagitan nilang dalawa. Imposible na walang malisya. Imposible na walang magkagusto.

Well, hanggang ngayon, magdadalawang taon na, hindi pa din nawawala ang pagkagusto ko sa’yo. Dude naman kasi. Bat hindi na lang ako ang piliin mo. Bakit masyadong pinapahalagahan pa ang pagkakaibigan. Bakit hindi subukan na maging tayo. Bakit hindi mo ako magustuhan? Nakakalungkot lang pero dahil ayoko din naman na mawala ka sa buhay ko, heto ako, bestfriend mo.

May mga araw na ok naman tayo eh. Ok ako. Ung as in chill lang kapag magkasama tayo, hindi ako nagde-daydream na paano kung tayo nga kaya. Pero may mga ginagawa ka kasi na nakakaasar. Ang cute mo lang. Haha. Katulad kanina, kinuwento mo ung ginagawa mo sa pamangkin mo. Ung pangungulit mo sa kanya. Ang cute lang. Nakakaasar.

Malinaw naman na wala kang gusto. Na walang mangyayari sa ating dalawa. Pero may part pa din sa akin na umaasa. Na baka magbago ung isip mo. At least, nakakasama kita kahit kelan ko gusto. Nakukulit kita, I can trust you to be there when I need a friend. Kailangan ko lang tanggapin sa sarili ko na hanggang ganito na lang tayo at dapat makuntento na ko dun.

Kailangan ko na talagang makahanap ng bagong pagtutuunan ng atensyon. Sino kayang pwede? Sana dumating na sya.