my body is ready for a 4-day weekend

Alas-tres pa lang pero nasa “uwi mode” na ako. Well, simula pa lang kaninang umaga, gusto ko nang umuwi. Pero kailangang pumasok ng trabaho dahil hindi ko ito narequest na off. Oh well. Petiks lang din naman ako maghapon. Kitams, nakadalawang blog entry pa ako.

Apat na araw na walang pasok. Oh yeah. This is the life! Ano kayang gagawin ko? Malamang bukas, Thanksgiving, sa bahay lang at kakain. Malamang online lang ako at maghahanap ng mabibili. Pero wala naman akong gusto eh. Ewan. Libro siguro pero ang dami kong libro na hindi pa nababasa. Damit. Ahhh,. kailangan ko ng damit. Saka wireless charger. Hmmm, pero kailangan ko din palang magisip ng ilalagay ko sa wishlist ko para sa Pasko. Oh boy. Namoroblema naman ako. Haha.

Alam ko na. Magbabasa na lang ako ng libro. At manonood ng movies. Oh yeah. Ok sana kung makakapagbakasyon ng saglit pero wala naman din akong mapupuntahan sa loob ng apat na araw. Next year nga, maiplanong magoff ng isang linggo.

Ayun. Apat na araw na bakasyon. Sana lang hindi ako maburyong at kung anu-ano ang maisip. Magpapakabusy na lang ako. I-enjoyin ang apat na araw na walang trabaho. Un lang siguro ang kailangan ko, break mula sa stress. Susubukan ko ding hindi magonline masyado.