Strike two

Backstory: Napansin na kita noon, cute ka.

Kaninang umaga, nagulat na lang ako na napadaan ka sa room namin. Syempre, mega ngiti naman ako at kaway sa’yo, Hinanap mo ung lead namin, tinanong kung papasok sya ngayon. Sabi ko naman eh hindi, pero online sya, pwede na mo syang i-message. Medyo nagusap pa tayo ng onti, tinanong kita kung bakit ka andito sa work ngayon, sabi mo, maghalf day ka. Natapos tayong magusap at umalis ka na. 

Ang cute mo pa din.

Teka, tama ba ung sinabi ko na i-message na lang ung lead ko? Hmmm. Well, un naman kasi dapat talaga ung ginawa nyang una. Oh well.

Ilang oras ang lumipas, dumaan ka ulit dito sa room namin. Tinanggal ko ang earphones ko, kasi alam ko na ako ung pakay mo. O feeling ko lang un? Tinanong mo kung may ganung pangalan ba sa project namin. Sinabi kong meron pero off sya ngayon. Usap onti. Tas nung paalis ka na, eto na lang ang nasabi ko:

You can just ping me you know?

Natawa ka tas umalis. Pagkasabi ko nun eh, saka ko naisip na medyo mali ung nasabi ko. Kaya minessage kita kagad.

Whew.

Bakit kasi ang awkward ko minsan? Porket cute lang, natataranta na. Oh well, nice save tingin ko. Ayoko namang isipin nya na ang taray ko o ano pa man. Basta ayoko lang na misinterpret.

Strike two Mimay. Sana may susunod pa para makabawi.