My face in yo dash

My face in yo dash.

Hindi pa naman ako nagsasawa sa bangs ko. Sana lang eh mas mahaba na ang buhok ko para pwede nang itaas ang ipit. Linggo na. Malapit nang matapos ang 4-day weekend ko. Hindi pa ako ready na pumasok sa trabaho bukas. Ugggh. Back to reality na. Di na pwedeng tatamad-tamad.

Not really sure how I’ll spend my last “free” day. Tanghali na akong nagising at tinatamad akong kumilos. Baka magGlee marathon na lang ako. Sinimulan kong panoorin ung Season 1 last Saturday, iba talaga ung storyline ng Glee noon kumpara ngayon. I miss Finn. Oh well, I still love the show. 🙂

Nagvacuum na din ako ng kwarto, sa wakas nakapaglinis na din. Naging productive din naman pala ang umaga ko. Kailangan ko nang kumain. Ano kayang ulam?

friendzoned

OK. So. Napanood ko ung MMK. Nalaman ko kasi na tungkol sa pagiging friendzoned ung episode. Eh syempre, alam kong makakarelate ako, kaya nanood ako. Baka sakaling may gagawin ung character ni Alex Gonzaga na pwede ko ding gawin in real life. Un eh kung magiging sila in the end.

Natapos ung episode. Naasar lang ako.

Leche. Alam mo, tanggap ko naman kung hindi ako ung makakatuluyan nung nang-friendzone sa akin. As in. Tatanggapin ko na friends lang talaga kami. Alam mo ung hindi ko matanggap dun sa kwento? Ung fact na naging girlfriend nung lalake ung bestfriend nung bida. The fcuk dude. Kalokohan. Tas sasabihin eh ayaw kasing mawala sa buhay nya ung babae at ayaw masayang ung friendship?! So bakit ganun? Bakit jinowa nya ung bestfriend? Haha. Ako na talaga ang affected.

Tas eto namang mga kaibigan. Patol agad? Eh kitang sa kanila nga nagoopen up. Dapat may unwritten rule eh. Parang sinira na din ung friendship nun. Tas sasabihin pa na malalaman mo in time? Ang arte lang. Hindi ba, kung kaibigan talaga, sasabihin mo kagad? Hindi ung iintayin mo na lang na ipopost na sa Facebook. Tas eto namang character ni Alex, sobrang bait. Well, I guess, ganun din ang gagawin ko. Ike-keep ang friendship. Pero un nga, friends na lang talaga. Basta. Nabadtrip ako. Ang manhid din nung lalake ha. Ewan ko kung may pagkatanga pa sya o sadyang manhid lang. Oh well, eto ang real life eh.

Haynaku. Nastress lang ako sa episode, hindi pa nasolusyunan ung problema ko.

Well. December na bukas. Sa kabilang side ng mundo, December na. Holy cow. Ambilis ng 2013. Isang buwan na lang matatapos na. Anyare? Grabe lang. Matatapos ang taon single pa din ako, hehe. Oh well.

Kanina, umattend ako nga party. Baby shower. May nagtanong sa akin kung may jowa na daw ba ako. Ganun kadali ba magkaboiprend? Paano? Sabi ko na lang na busy ako at walang oras. Saka wala din namang nagkakainterest. Hindi na bago un.

Sanay na din ako. Parang wala lang kapag tinatanong kung bat single pa din ako eh magte-trenta na ako. Does it bother me? Meh. Minsan lang siguro kapag nakakaramdam ako ng pagdadrama. Kapag nakikita ko sa Facebook na masaya ung mga kaibigan ko, may pamilya at anak. Na buti pa sila. Sana dumating na ung panahon ko.

Well, di naman pamilya kagad ang hanap ko. Ung tipong boyfriend lang na nakakasama ko, masaya na ako dun. Ung madali ko lang makakausap o matetext tas makikita ko din ng araw na un. Never pa akong nagkaboyfriend na nakasama ko. Parang gusto kong maramdaman un. Kaso wala namang magkainterest, kaya nganga Mimay.

2014. Kung may darating man, salamat. Kung wala pa, hmmmm, eh di wala. hehe. Wala namang magagawa. Gusto ko lang kiligin ulit. Un lang.