I am awkward in real life

May team dinner kami kanina. Syempre pumunta ako, free food eh. Saka halos lahat sa team ko eh pumunta so, punta na din ako. Hindi ko ata papalampasin ang libreng pagkain tas andun pa ung isang cute na ka-project ko, hihihi.

Medyo nalate ako ng dating, andun na sa restaurant ung ibang ka-project ko. Dun ako umupo, katabi ung isa ring tahimik na ka-team ko, bale anim kaming magkakasama sa isang table tapos sa kabila na ung iba. Panay lalake ung nasa table ko, which I don’t really mind. Mas madali akong makipagusap sa lalake. Ilang minuto pa, dumating na din ung iba. Kinuha ung drink order namin, tapos tuloy ang pagkukwentuhan nila. Yep, nila dahil nakikinig lang ako.

Hindi din ata maganda na natabi ako sa isa pang tahimik. Kung hindi pa ako ung unang magsasalita, hindi din sya magkukwento. Kaya naman nakisabat na lang ako dun sa iba pang nasa table namin. Para akong nanonood ng tv na palipat-lipat ng channel. Kung may marinig akong topic na tingin ko eh makakarelate ako, ayun, sasabat ako. Mas madalas eh hindi ko alam kung pinaguusapan nila, kaya naman nakatingin lang ako sa telepono ko, nagbo-browse sa Facebook o Instagram. Ang loser ko lang.

Lumalabas talaga ung pagkamahiyain ko in real life. Kung dito sa intrawebs eh parang ang daldal ko, sa totoong buhay, kung hindi kita ka-close, eh tahimik lang ako. Kahit kapag mga ka-close ko ung kasama ko, hinahayaan ko lang silang magkwentuhan. Nakikinig lang ako. Sabat dito, sabat doon. Siguro dala na din ng ayoko kasi na nakatuon sa akin ung atensyon kaya kapag tungkol sa akin na ung usapan o kapag ako ung nagkukwento, saglit lang, tas change topic na ulit.

Ewan ko ba. Ewan ko kung paano ako nagkaroon ng mga kaibigan at boyfriend. Eh kitang mahiyain naman ako. Pero once naman kasi na makilala mo na ako, eh goodluck, kukulitin na kita. Awkward lang siguro talaga ako sa umpisa.